Sinabi ng state witness na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo na hindi humingi sa kanya si dating House speaker, Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, ng listahan ng infrastructure projects kapalit ng commitments o kickbacks.

Inilahad ito ni Bernardo sa bail petition hearing ni Romualdez sa Sandiganbayan ngayong Huwebes, Oktubre 29.

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.4 bilyon maanomalyang flood control projects.

Sa cross-examination ng abogado ni Romualdez, tinanong si Bernardo kung may alam siyang commitment o kickback na naibigay kay Romualdez, na sinagot niya ng, “Wala po.”

Nilinaw din ni Bernardo na ang pagkakabanggit niya kay Romualdez sa kanyang affidavit ay noong makasalamuha niya ito sa birthday celebration ni dating DPWH Secretary Mark Villar noong Setyembre 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *