Halos walo sa kada 10 Pilipino ang naniniwalang dapat na personal na tumestigo si Vice President Sara Duterte sa sariling impeachment trial, base sa resulta ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre.

Sa survey, na isinagawa noong Setyembre 21-27 pero isinapubliko nitong Miyerkules, Oktubre 28, natuklasang 78 porsiyento ng adult respondents ang naniniwalang importante na personal na humarap si VP Sara sa Senate impeachment trial para magpaliwanag sa mga akusasyon laban sa kanya.

Sa mga respondents, 59 na porsiyento ang nagsabing “definitely important” ang testimonya ng Bise Presidente at 19 na porsiyento ang nagsabing “somewhat important” ito.

Nasa 15 porsiyento ang nagsabing “unimportant” na personal siyang dumalo sa sariling paglilitis, habang walong porsiyento naman ang hindi alam kung ano ang kanilang magiging opinyon sa usapin.

Isinagawa ang survey bago tinanggap ng Senate impeachment court ang mosyon ng prosekusyon nitong Oktubre 13 na i-drop na ang tatlo sa apat na articles of impeachment laban kay VP Sara, at tangin ang unexplained wealth allegation na lang ang itinira.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *