Iginiit ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na mananatili ang usapin ng unexplained wealth laban kay Vice President Sara Duterte at sa kaniyang asawang si Manases Carpio kahit hindi mabuksan ang selyadong BIR records box.

Ayon sa mambabatas, hindi lamang sa tax records nakabatay ang kaso dahil mayroon pa umanong ibang dokumento at ebidensiyang maaaring iharap ng prosecution panel sa impeachment proceedings upang patibayin ang kanilang kaso.

Aniya, layunin ng prosecution na patunayan ang kanilang mga paratang gamit ang kabuuan ng mga ebidensiyang nakalap sa imbestigasyon, habang hinihintay ang magiging pasya ng impeachment court sa usapin ng BIR box.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *