Patay ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos matuklaw ng ahas habang nangunguha ng bayabas nitong Sabado sa Sogod, Southern Leyte.

Batay sa ulat ng PNP, ang biktima ay nakilalang si Jhonson Cuyno .

Naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga, hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Namimitas umano ng bayabas ang biktima kasama ang kanyang kuya Jhonloyd nang matuklaw siya ng ahas sa hita.

Nakauwi pa ang biktima at hinugasan ng tubig ang parte ng katawan na nakagat ng ahas subalit kinalaunan ay nahirapan na siyang huminga kung kaya isinugod siya sa Sogod District Hospital.

Gayunman , dahil sa kawalan ng mga ito anti-venom treatment sa Sogod Hospital, iminungkahi ng mga doktor na ilipat ang biktima sa pagamutan sa Tacloban subalit nalagutan na ito ng hininga bago pa man umabot sa ospital.

–Baronesa Reyes