Posibleng makabalik na sa Pilipinas sa loob ng isa hanggang tatlong linggo si dating Ako Bicol congressman Zaldy Co, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Biyernes, Abril 17.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad ng Czech Republic para mapabilis ang extradition ni Co pabalik ng bansa.
“Siguro as little as one week or as long as three weeks. Depende ’yan sa DFA. Sila talaga ang lead dito,” sabi ni Remulla sa isang panayam sa DZMM.
Si Co, na itinuturong isa sa mga mastermind sa multibillion-peso flood control scandal, ay naaresto matapos pumasok sa Czech Republic nang walang sapat na dokumento.
Kasalukuyang nakakulong si Co sa Prague.
Kasalukuyang nakapiit si Co sa Prague at inaasahang ililipat sa kustodiya ng DILG sa Camp Crame pagkarating sa Pilipinas para harapin ang paglilitis sa Sandiganbayan.
Ulat ni Bea Tanierla
