Arestado ang isang pekeng cosmetic surgeon sa entrapment operation ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa klinika nito sa Barangay Poblacion, Makati City.


Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-National Capital Region (NCR), kinilala ang suspek na si Haitao Gong, isang Chinese national at may-ari ng Avonnea Skin Care Center

Isinagawa ang entrapment operation dahil sa reklamo ng isang Jian Huang, naging pasyente ng suspek. Nagbebenta rin umano ito ng mga pampaganda at iba’t ibang cosmetic procedures.

Walang lisensya at anumang dokumento maipakita si suspek na magpapatunay na siya ay lisensiyadong doktor nang arestuhin ng mga awtoridad.

Nahaharap si Gong sa kasong paglabag sa R.A. 2382 o Medical Act of 1959 habang nasa kustodiya siya ng CIDG-NCR.