Pumalo na sa ₱172.90 kada litro ang diesel, ₱119.90 ang gasolina, at ₱178.29 ang kerosene matapos ipatupad ng mga oil company ang panibagong taas-presyo ngayong Martes, Abril 7.
Ito ang ikalimang sunod na linggo ng oil price adjustments mula nang sumiklab ang tensyon sa Middle East noong Pebrero 28.
Narito ang ipinatupad na dagdag-presyo ng ilang oil company:
Shell Philippines
Diesel – ₱19.80/L
Gasoline – ₱5.90/L
Kerosene – ₱9.10/L
Petron Corp.
Diesel – ₱18.80/L
Gasoline – ₱4.90/L
Kerosene – ₱8.10/L
Seaoil
Diesel – ₱17.95/L
Gasoline – ₱4.90/L
Kerosene – ₱8.10/L
Samantala, maaari pang samantalahin ng mga motorista ang mas mababang presyo sa Jetti Petroleum, dahil sa Biyernes pa nila ipatutupad ang kanilang price hike na ₱18.60 kada litro sa diesel at ₱5.40 sa gasolina.
Ulat ni Bea Tanierla
