Ipinagbabawal na ang hindi pagsusuot ng pang-itaas na damit habang naglalakad sa mga kalye, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

“Bawal na ang mga walang t-shirt na lalaki, na palakad-lakad sa kalye. It is an act of civility na magbihis naman kayo habang nasa kalye kayo,” saad ni Remulla.

Sa isang press conference ngayong Lunes, Abril 6, sinabi ni Remulla na bahagi ito ng “Safer Cities Initiative” ng DILG na layong siguruhin ang kaayusan at kaligtasan sa urban areas.

Bagama’t kinilala ng ahensiya ang init ng panahon sa Pilipinas, pinayuhan pa rin ang publiko na magsando o manamit nang maayos sa pampublikong lugar.

Bahagi rin sa parehong inisyatiba ang pagbabawal ng inuman sa mga kalye at pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad.

Ulat ni Bea Tanierla