Inihayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na ang pagtukoy kay Ramil Madriaga bilang “polluted source” kaugnay sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte ay gagawin sa trial proper at hindi sa preliminary investigation na ginagawa ng House Committee on Justice.

Sa isang panayam sa DZMM Teleradyo noong Lunes, Abril 6, sinabi ni Chua na hindi umano tinutukoy kung sino ang ‘polluted source’ at hindi ‘polluted’ sa preliminary investigation.

“So ite-test ninyo pa ‘yung kanyang credibility sa trial proper ‘yan… Pagdating po sa Senado, du’n bibigyan na ng pagkakataon ‘yung mga abogado po ng ating Bise Presidente para i-cross examine at du’n po made-determine kung siya nga talaga ay polluted source,” paliwanag pa ng kongresista.

Dagdag niya, kapag nakasuhan ang isang tao ay hindi agad nangangahulugang siya ay isang ‘polluted source,’ dahil “dapat po ‘yan ay mayroong final judgment ‘yung kaso.”

Ulat ni Jilliane Libunao