Nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa pagbabalik ng work-from-home (WFH) setup sa pribado at pampublikong sektor sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.


Inihayag ni Tulfo na may mga trabaho na pwedeng gawin ng mga empleyado mula sa kanilang mga bahay.

“If a worker’s physical presence or activity is not required at the workplace, why not just have them report online?” suhestiyon ni Tulfo nitong Linggo, Marso 29.

Ipinaliwanag niya na ang mga “office roles” tulad ng planning, research, administrative na trabaho, customer service, at iba pang similar sa mga posisyon na tinukoy niya ay maaaring mag-work from home.

“And if physical presence is required, such as in manufacturing, hotels, restaurants, or hospitals, colleagues can carpool in one vehicle and split the gas cost,” wika pa ni Tulfo.

Samantala, una nang sinabi ng Malacañang na bagamat maganda ang ideya ng pagpapatupad ng work-from-home arrangements para sa pribadong sektor, hindi sila aatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipatupad ang naturang work arrangements.

Ulat ni Jilliane Libunao