Nakatanggap na ng ayuda ang senior citizen na tsuper na si Jaime Ricafrente matapos mag-viral ang panawagan nito na mabigyan ng ayuda matapos malaman na wala ang pangalan niya sa masterlist ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa Manila Department of Social Welfare (MDSW), nitong Huwebes, Marso 26, agad na rumesponde ang pamahalaang lungsod ng Maynila matapos mabalitaan ang panawagan ni Ricafrente.
Personal na inabot ng naturang tanggapan ang pinansyal na suporta para kay Tatay Jaime kabilang ang isang sakong bigas at dalawang grocery bags.
Matatandaan na nanawagan si Tatay Jaime sa pamahalaan matapos malaman na wala ang pangalan niya sa listahan ng mga makakatanggap na P5,000 na ayuda galing sa DSWD.
Ulat ni Brit Cezar
