Mananatiling sapat ang suplay ng krudo ang Pilipinas hanggang Hunyo 30, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Biyernes, Marso 27.

“’Mayroon na tayong supply of crude oil, sufficient supply, hanggang June 30… tuloy pa rin ang paghahanap natin ng supply,” pagtitiyak ni Pangulong Marcos.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Malacañang nitong Huwebes, Marso 26, na dumating na sa bansa ang 700,000 bariles ng krudo mula sa Russia.

Matatandaang idineklara ng Pangulo ang state of national energy emergency sa bansa nitong Martes, Marso 24, dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East na lubhang nakaapekto sa suplay at presyo ng mga produktong petrolyo.

Ulat ni Bea Tanierla