Muling nagsampa ng panibagong cyber libel complaint si dating Senador Antonio Trillanes IV laban sa 18 indibidwal na nagpakilalang “Ex-Marines” at ilang TV hosts ng isang media network, dahil sa umano’y patuloy na pagkakalat ng mga ito ng kasinungalingan tungkol sa kaniya.
Personal na nagtungo si Trillanes sa Department of Justice (DOJ) ngayong Lunes, Marso 23, para maghain ng reklamo laban sa mga nagpakilalang “ex-Marines” at mga hosts ng Sonshine Media Network International (SMNI) na sina Byron “Banat By” Cristobal, Oliver “Coach Oli” Cristobal, “Master Judea,” at Arjay “Pareng Arjay” Piodina.
Kaugnay ito sa diumano’y akusasyon kay Trillanes tungkol sa pagtanggap ng male-maletang pera kapalit ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ulat ni Bea Tanierla
