Posibleng sa basurahan ang tuloy ng isinampang ethics complaint laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng patuloy nitong pag-absent sa Senado, ayon kay Senate Committee on Ethics and Privileges chairperson JV Ejercito.

“It will be dismissed kung itutuloy ‘yan kasi nga wala ho sa rules natin, you cannot find it anywhere in the rules about that issue on no work, no pay,” saad ng senador.

Ayon kay Ejercito, wala umanong nakalagay sa committee rules pati sa Rules of the Senate hinggil sa “no work, no pay” policy.

“In case, if gusto mag-prosper, kailangan i-amend ‘yung rules to include ‘yung sa no work, no pay,” wika ni Ejercito sa kanyang press conference ngayong Miyerkules, Marso 18.

“But as of now… again, madi-dismiss nga ‘yan kasi nga wala po sa rules,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagsampa ng ethics complaint ang civil society group ‘Wag Kang KuCorrupt’ laban kay Dela Rosa dahil sa patuloy umano nitong pag-absent sa Senado mula pa noong Nobyembre 2025.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *