Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibleng pagbabawas sa aviation charges, port, at toll fees upang maibsan ang epekto ng taas-presyo ng langis sa mga sektor, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ito umano ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pababain ang operation cost ng mga transport operator at makatulong sa pagpapababa ng pamasahe at presyo ng mga bilihin.
Gayunpaman, ipinaliwanag ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na deregulated ang fare system ng mga shipping company kaya limitado ang pakikialam ng gobyerno sa kanilang singil.
“Titingnan natin kung anong maitutulong talaga natin na talagang it will benefit the passengers and the cargos,” pagtitiyak naman ng kalihim.
Ulat ni Bea Tanierla
