Itinayo ng Department of Education (DepEd) ang Learning Continuity Spaces (LCS) sa ilang paaralan sa Cebu at Masbate upang matulungan ang mga mag-aaral na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng mga kalamidad.

“These climate-resilient structures represent efforts to ensure that no Filipino learner is left behind even in the face of calamities,” sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara

Ito ay may solar-powered system at internet connectivity, at idinisenyo upang magamit sa pagpapatuloy ng klase kahit pagkatapos ng mga sakuna.

Maaaring itayo ang mga modular classrooms sa loob lamang ng dalawang linggo, na makakatulong upang mabilis na maibalik ang normal na pag-aaral ng mga estudyante.

Personal namang ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isa sa mga bagong pasilidad sa Marcelo B. Fernan–Polambato Elementary School sa Bogo City.

Ulat ni Brit Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *