Inaasahang magiging bukas na sa mga motorista ang Maharlika Highway bago ang Holy Week, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ngayong Martes, Marso 10.

Sa isang anunsyo ngayong Martes, Marso 10, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na mapapabilis ang travel time ng mga babyaheng motorista at commuters patungong Quezon, Bicol, Samar at Leyte dahil sa rehabilitasyon sa Maharlika Highway.

Ayon pa kay Dizon, magiging tuloy-tuloy na rin ang biyahe sa naturang highway dahil aalisin na ang one-way traffic scheme na kasalukuyang ipinatutupad sa ilang bahagi ng major road.

Matatandaang nagsimula ang rehabilitasyon noong Enero na layong ayusin ang mga lubak at problema sa drainage sa naturang mahigit 3,300-kilometers highway na nag-uugnay sa Luzon, Visayas, at Mindanao. (via Bea Tanierla)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *