binunyag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na nakapangalan umano sa isang “OP (ES/SAP)” ang P8 bilyon halaga ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatala sa 2025 national budget—at bahagi umano nito ang P280-million streetlights project sa Nasugbu, Batangas.
“May P280-million solar streetlight na 1,202 piraso, ang lumalabas po ay parang P230,000 per solar streetlight. Ito po ay kasali sa ini-report naman natin… na 8B [billion pesos na allocable sa OP (ES/SAP)]… baka ‘yan po ay four times overpriced,” idinetalye ni Leviste.
Ang Nasugbu ay nasasaklawan ng distrito ni Leviste sa lalawigan, at idinetalyeng ang P280 milyon ay para umano sa pagpapakabit ng may kabuuang 1,202 solar streetlights sa munisipalidad—o nagkakahalaga, aniya, ng P230,000 kada streetlight.
Hindi naman tinukoy ni Leviste ang pagkakakilanlan ng “OP” na proponent ng nasabing proyekto, pero sinabing nakasulat, sa loob ng parentheses, ang mga letrang “ES/SAP” kasunod ng mga letrang OP.
