Pinirmahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Philippine Space Agency (PHILSA) ang isang memorandum of agreement nitong Lunes, Nobyembre 3, upang ma-monitor ang mga infrastructure project.

“With this partnership, it will signal the start of our road towards more transparency and a more effective way of monitoring our projects,” saad ni DPWH Sec. Vince Dizon.

Sa tulong umano ng PHILSA, mamo-monitor ang mga proyekto ng DPWH nang mas epektibo sa pamamagitan ng satellite images upang makita ang proseso nito mula umpisa hanggang sa matapos ito.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, isa sa mga problemang nadiskubre niya ay ang kakulangan ng mas epektibong pagmo-monitor sa mga proyekto dahilan para makalusot ang mga ‘ghost’ projects.

“Isa ito sa mga gagawin nitong partnership na ‘to, na makahanap ng paraan para makapag-monitor nang mas epektibo ‘yung mga proyekto ng DPWH. Hopefully, ang teknolohiya na dinadala ng PHILSA ang magbibigay talaga ng tulong sa DPWH para ma-monitor natin nang maigi ang mga proyekto,” dagdag niya.

UIat ni Ansherina Baes