Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla noong Miyerkules, Oktubre 1, na posible umanong umabot ng 120 araw bago makapaghain ng kaso laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

“May preliminary investigation ‘yan. So, case build up, preliminary investigation which is a long process then court case… at least 120 days siguro. Maswerte tayo kung by Pasko may warrant of arrest na,” saad ni Remulla.

Ito ay dahil umano sa mahabang proseso ng preliminary investigation na isasagawa matapos ang case build up o pangongolekta ng ebidensya bago makapaghain ng kaso sa korte.

Sinabi pa ni Remulla na “maswerte” na umano ang ahensya kung bago mag-Pasko ay mayroon na silang warrant of arrest na maihahain sa mga sangkot sa naturang anomalya.

Ulat ni Ansherina Baes