Makakatanggap ng mas mataas na buwanang sahod ang mga manggagawa sa CALABARZON simula Oktubre 5, 2025, na inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission.

Noong Biyernes, Setyembre 19, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IV-A ng Wage Order No. IVA-22.

Ito ang nagtatakda ng dagdag na ₱25–₱100 sa arawang minimum wage ng mga agriculture workers; ₱30–₱100 para sa mga non-agriculture workers; at ₱83 para sa mga empleyado sa retail at service establishments na may hindi hihigit sa 10 manggagawa.

Dahil dito, ang bagong sahod ay aabot sa ₱508–₱525 para sa agriculture sector; ₱525–₱600 sa non-agriculture; at ₱508 sa retail at service sector.

Ayon sa DOLE, ipatutupad ang wage order sa dalawang bahagi: Oktubre 5, 2025 at Abril 1, 2026.

Ulat ni Britny Cezar