Nagsampa ng reklamong multiple murder at serious illegal detention ang mga kaanak ng “missing sabungeros” laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, ilang miyembro ng kapulisan, at mga kasama nito sa “Alpha Group.”
Ayon sa ulat ng 24 Oras, kinumpirma ng ilang complainant na kabilang sa kanilang sinampahan ng kaso ay ang aktres na si Gretchen Barretto at si dating National Capital Region Police Office (NCRPO) chief retired General Jonnel Estomo.
“Masaya po kami kasi makakapag-file po kami ng kaso…para kila Atong Ang po at mga kasama,” saad ni Ryan Bautista, kapatid ng missing sabungero na si Michael Bautista.
Naging pangunahing batayan naman sa isinampang reklamo ng mga kaanak ng missing sabungeros ang affidavit na isinumite ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy.”
Ulat ni Bea Tanierla
