Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ngayong Martes, Hulyo 29, sa ilalim ng pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon, ang mga multa para sa late registration ng sasakyan at pag-renew ng driver’s license sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

“Validity of the vehicle registration and driver’s license within that period (July 21-25) are likewise extended to August 8, 2025,” ayon sa memorandum ng LTO.

Sa pinirmahan na memorandum ni LTO acting Assistant Secretary Atty. Greg Pua Jr., saklaw ng exemption ang weekly surcharge para sa late registration ng sasakyan at pag-renew ng lisensya mula Hulyo 21 hanggang 25.

Sinabi ni Pua na ang pagpapataw ng multa para sa mga sasakyan, kabilang ang mga motorsiklo, na binili mula Hulyo 21-25 ngunit hindi nairehistro sa itinakdang araw ay hindi na rin ipatutupad.

Dagdag pa niya, ang pagbibilang ng araw base sa Sales Invoice para sa mga nabanggit na sasakyan ay magsisimula sa Agosto 8 upang maiwasan ang multa sa late registration ng bagong sasakyan.

“Hence, the last day of the settlement of fines on said apprehensions without penalty shall be on August 8, 2025,” saad sa memo.

Ulat ni Britny Cezar