Posible umanong suspindihin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang operasyon ng Facebook sa Pilipinas dahil sa patuloy na paglaganap ng mga deepfake sa naturang platform.
Nagbanta ang DICT na sususpendihin nito ang operasyon ng social media platform na Facebook sa Pilipinas dahil sa paglaganap ng fake news at deepfakes.
Ito ay kasunod ng pagpapadala ng ahensya ng liham sa Meta Platforms at Facebook founder na si Mark Zuckerberg, kung saan iginiit nila na kailangang linisin ang nasabing platform laban sa maling impormasyon.
Mariing nanawagan si DICT Secretary Henry Rhoel Aguda kay Zuckerberg na agad na tugunan ang pagdami ng fake news at iba pang mapanlinlang na content gaya ng mga deepfake Artificial Intelligence (AI)-generated content sa Facebook.
Ayon kay Aguda, nagiging toxic online space na ang Facebook dahil sa paglaganap ng fake news at mga deepfake na mabilis na kumakalat hindi lamang sa Facebook kundi pati sa iba nang social media at messaging platforms tulad ng Viber.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
