Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na bukod sa pinaniniwalaang kalansay ng tao, nakakuha rin ang composite team ng technical divers ng buto ng mga hayop na pinaniniwalaang itinapon sa Taal Lake kung saan itinuro ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” na inilubog ang mga pin@tay na sabungero.
“Alam niyo naman may farm sa lugar na ‘yan… Lahat ng nakikita natin, may animal remains, may mga human at mixed-mixed na ang ating tinitingnan,” sabi ni Torre.
“Kaya kasama sa processing ang pag-differentiate kung ito ba ay animal o human remains,” sabi ni Torre ngayong Lunes, Hulyo 14.
Aniya, nagpapatuloy ang paghahanap ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga missing sabungero na base sa statement ni alyas “Totoy,” ay itinapon sa lugar matapos iligp!t diumano ng mga pulis na nasa payroll ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.