Nagbabala ang Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS) na hanggang anim na milyong bagong kaso ng HIV at apat na milyong pagkasawi sa AIDS ang maaari pang mangyari sa pagitan ng 2025 at 2029 kung magpapatuloy ang pagbagsak ng mahahalagang healthcare services dulot ng krisis sa international fund.
“Together, we can still end AIDS as a public health threat by 2030 – if we act with urgency, unity, and unwavering commitment,” saad ng UNAIDS sa isang official statement.
Sa isang 2025 Global AIDS update, sinabi ng ahensya na ang biglaan at malawakang pagputol sa international funds ay nagpapabagsak sa mga HIV services, lalo na sa mga bansang pinakaapektado ng epidemya.
“This is not just a funding gap – it’s a ticking time bomb,” ayon kay UNAIDS Executive Director Winnie Byanyima sa isang press release.
“We have seen services vanish overnight. Health workers have been sent home. And people – especially children and key populations – are being pushed out of care,” dagdag ni Byanyima.
Noong 2024, umabot sa 630,000 katao sa buong mundo ang nasawi dahil sa AIDS, habang may 9.2 milyong tao pa rin ang HIV-positives—kabilang ang 620,000 bata—na wala pang access sa treatment.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome