Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, sinabi ng Philippine National AIDS Council (PNAC) na magkakaroon ng libreng cond0ms sa ‘red district areas’ sa Metro Manila, kabilang ang mga bar, bathhouse, spa, at motel.
“The plan is to make cond0ms available in bars, bathhouses, spas and motels – those identified as red district areas,” ayon sa PNAC.
Ayon kay PNAC executive director Joselito Feliciano, plano rin nilang magbigay ng libreng cond0m sa mga palikuran, gasolinahan, tricycle terminals, at mga health center.
“Our plan is ready… We are still seeking the help of local government units in identifying other possible areas where to supply said items,” sabi ni Feliciano.
Gayunpaman, nilinaw nila na hindi sila mamamahagi ng libreng cond0m sa mga paaralan.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), tumaas ng 500 porsyento ang kaso ng HIV sa mga kabataang may edad 15 hanggang 25 mula 2010 hanggang 2023, habang umabot sa 5,101 ang kaso ng HIV sa unang quarter ng 2025.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
