Kinumpirma ng Japanese media kamakailan ang desisyon ng Japanese Ministry of Defense na ilipat ang lahat ng anim nitong Abukuma-class destroyer escorts sa Pilipinas bunsod ng naganap na pag-uusap sa Department of National Defense (DND) ng Pilipinas sa sidelines ng Shangri-La Dialogue sa Singapore noong Hunyo 2025.
“The ships may also be in need of modernization once in the Philippines, including replacing its older sensors including radar and sonar, most likely with Japanese systems,” ayon sa ulat ng MaxDefense Philippines.
“If this materializes, this will be a big boost to our naval defense fleet!,” komento ni Sen. JV Ejercito sa post ng MaxDefense Philippines sa social media.
Ayon sa ulat ng Japanese news agency Yomiuri Shimbun, iinspeksiyunin na ng Philippine Navy ang lahat ng Abukuma-class destroyer escorts ng Japan ngayong rainy season.
Upang makatugon sa Principles on Transfer of Defense Equipment ng Japan, magsasagawa ng ilang modifications sa kasunduan, kabilang ang posibleng joint development ng ship equipment sa mga susunod na panahon at pag-aangkat ng Pilipinas ng mga bagong Japanese warships.
Naniniwala ang MaxDefense Philippines na maaaring kabilang dito ang anti-ship missiles na itinuturing na “offensive weapons,” at papalitan ang mga ito ng American, European o Korean missiles kapag nailipat na ang destroyer escorts sa Pilipinas.
Ang Abukuma-class ay mayroong Oto Melara Mk. 75 Compact naval gun na kahalintulad ng nasa mga barko ng Philippine Navy na Del Pilar at Pohang-class (BRP) Conrado Yap; dalawang quadruple launchers para sa US-made RGM-84 Harpoon anti-ship missiles; isang Type 74 (Mk. 16) launcher para sa ASROC anti-submarine rockets, at dalawang Type 68 (Mk. 32) triple torpedo launchers na nakalagay sa Pohang-class ship ng Pilipinas. (Photo courtesy of Seaforces.org)
