Tiniyak ni Philippine Navy spokesperson Captain Alcos na handa silang tumulong sa paghahanap sa mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa Taal Lake, bagamat wala pang pormal na kahilingan mula sa Department of Justice (DOJ) tungkol dito.
“The Philippine Navy is always ready to assist all other government agencies just to make sure that all our countrymen are appeased or are safe,” inihayag ni Alcos.
Aniya, agad na ide-deploy ang Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) kapag nagbigay na ng go signal ang ahensya para sa retrieval operations.
Binubuo ang NAVOSCOM ng mga bihasang technical divers o mas kilala bilang “frogmen,” na kayang gawin ang “complex underwater missions” kahit sa “adverse conditions” at “inconvenient times.”
Una nang sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na handa silang tumulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng technical divers sa Taal Lake.
Samantala, kinumpirma ng mga awtoridad na nasa 34 na sabungeros ang nawawala mula noong 2021.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
