Lumabas sa survey ng OCTA Research na 57 porsyento ng mga Pilipino ang pabor sa pagbabalik ng Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC) habang 37 porsyento ang tutol dito.
Sa panibagong survey ng OCTA Research na isinagawa noong Abril 20 hanggang 24 makikita na 57 porsyento ng mga Pilipino ang gustong bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Nasa 37 porsyento naman ang hindi pabor sa pagbalik ng Pilipinas sa ICC habang anim na porsyento ang “undecided”.
Sa parehong survey ay nasa 85 porsyento ng mga Pilipino ang may alam sa ICC na nagpapahiwatig ng “high level of interest” sa naturang korte, at 13 porsyento naman ang nagsabi na “unaware” sila rito.
Matatandaan na nagdesisyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-withdraw ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng ICC noong 2018, na naging epektibo noong Marso 2019.
Samantala, kasalukuyang nakadetine si Duterte sa detention facility ng ICC dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay sa inilunsad na war on dr*gs campaign niya noong termino niya.
Ulat ni Jilliane Libunao
