Sa press conference ng Malacañang ngayong Huwebes, Hunyo 26, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vivencio “Vince” Dizon na may kabuuang 1,132,407 drivers ang makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng Fuel Subsidy Program.

Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa dulot ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon kay Dizon, makakatanggap ng ayuda ang mahigit 258,712 drivers ng public utility vehicles (PUVs) kabilang ang mga bus, jeeps, at e-jeeps.

Gayundin, mabibigyan din ng ayuda ang nasa 723,695 tricycle drivers; at 150,000 delivery riders kabilang ang mga motorcycle taxi riders/drivers.

Ipamamahagi ang mga ayuda sa pamamagitan ng pantawid pasada cards, e-wallets, bank-to-bank transfers sa mga registered at validated bank accounts, at cash distribution via Land Bank of the Philippines, ayon sa DOTr.

Ulat ni Ansherina Baes