Sa bagong episode ng podcast ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sinabi niya na alam niya ang nararamdaman ng mga Filipino commuters na araw-araw nag-co-commute papunta sa trabaho.

“[So,] we will start to see the completion of some of the phases (of major infrastructure project construction) by late this year, next year,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“I’ve felt that. One time, we rode the MRT… I was talking with the passengers. One of them said, ‘Sir, it’s really like this every day.’ I know—it’s extremely hot and very crowded,” sabi ng Pangulo.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos Jr. na nagpapatupad na sila ng mga proyekto upang tugunan ang hirap sa pag-co-commute tulad ng “1+3 promo” sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 tuwing Linggo, maging ang 50 porsyentong discount para sa mga estudyante.

Binigyang-diin din niya na nakapokus ang administrasyon sa mga long-term solutions sa pamamagitan ng mga major infrastructure projects, tulad ng Metro Manila Subway at MRT-7, na inaasahang matapos ang ilang phases ngayong 2025 o sa 2026.

Samantala, nakatakdang magkaroon ng trial run ang MRT-7 sa dulo ng taon, ayon sa operator nito na San Miguel Corporation.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome