Aminado si Sen. Robinhood Padilla na nauumay na siya sa sandamakmak na chismis at iskandalo dulot ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“Ang impeachment na ito at napakaraming chismis – napakaraming iskandalo na tungkol sa bayaran na alok ng anu-ano,” sabi ni Sen. Robinhood Padilla.

At sa halip na magbangayan at magbasagan ng trip, hinikayat niya ang mga mamamayan na bigyan ng priyoridad ang pagkakaisa ng bansa at katatagan ng mga institusyon na nagpapatibay sa demokrasya.

“Dahil dito, hinihikayat ko ang kapwa lingkod-bayan na bigyang prayoridad ang pagkakaisa at katatagan ng ating institusyon at kapakanan ng sambayanang Pilipino,” sabi ng Senador na ipinost sa official page ng PDP Laban, ang partido na kanyang pinamumunuan bilang pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *