Sa ginanap na press briefing noong Biyernes, Mayo 30, inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na magagamit na ang credit o debit cards, at mga e-wallets sa pagbabayad ng pamasahe sa mga tren.

“Mga bandang July ito, if I’m not mistaken. I-implement na natin sa MRT at sa ibang mga tren natin (ang cards and e-wallet payments)… Hindi ka na kailangan bumili ng Beep (card),” saad ni DOTr Secretary Vince Dizon.

Aniya, ipatutupad ito sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) sa Hulyo 2025 upang hindi na kailangang bumili o magpa-load ng Beep card ang mga pasahero.

“Nakikita na naman natin ito sa ibang bansa. So, iyon ang sabi ng ating Pangulo, gawin na rin natin ‘yung mga modern facilities sa ibang bansa dito para sa mga kababayan natin,” saad ni Dizon.

Idinagdag pa niya na magsasagawa sila ng pilot tests at public awareness campaign upang maihanda ang mga commuters sa “open-loop” system.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *