Exempted ang mga emergency response vehicles sa no-contact apprehension policy (NCAP) sa EDSA, inanunsiyo ni MMDA Traffic Enforcement Group Director III Atty. Victor Nuñez sa joint press briefing sa Malacañang.

Sa joint press briefing ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Presidential Communications Office (PCO) sa Malacañang ngayong Huwebes, Mayo 29, sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group Director III Atty. Victor Nuñez, exempted ang emergency response vehicles sa ipinatupad na no-contact apprehension policy (NCAP) sa EDSA.

Mahirap lamang umanong gawing automated ang pag-exempt sa mga emergency response vehicles na gumagamit ng wang-wang dahil, aniya, makakasama ang mga VIP na sasakyan na gumagamit ng wang-wang.

Titiyakin din umano ng ahensya kung ang mga sasakyan na may mark na “Ambulance” ay totoong ambulansya dahil naobserbahan umano nila na may mga sasakyan na may “Ambulance” ngunit funeral services umano ang gumagamit nito.

Nagpaalala naman si Nuñez sa mga emergency response vehicles na gamitin nang wasto ang wang-wang at huwag itong gamitin kung wala talagang emergency.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *