Inanunsiyo nitong Miyerkules, Mayo 28, ng Bureau of Immigration (BI) si Xu Shiyan, isang Chinese na pinaghihinalaang point person ng naarestong ‘POGO King’ na si Tony Yang, noong Mayo 21.
“We will not allow foreign nationals to abuse our systems, falsify their identities, and use Philippine documents to cover their tracks,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.
Sa statement sa social media, sinabi ni Viado na naaresto si Shiyan sa operasyon na inilunsad sa Cagayan de Oro City noong Mayo 21.
Ang pagkakaaresto kay Shiyan, na diumano’y isa sa mga incorporators ng Philippine Sanjia-Steel Corporation (Phil-Sanjia), ay base sa impormasyong ibinahagi ni Melody Penelope Gonzales, hepe ng BI-Mindanao Intelligence Task Group.
Kabilang sa mga incorporators ng Phil-Sanjia ay si Antonio Lim, alyas “Tony Yang,” na unang naaresto ng BI dahil sa pangangalaga ng mga pekeng dokumento upang palabasin na siya ay isang Filipino citizen.
Nabawi sa pangangalaga ni Xu ang iba’t ibang Philippine document tulad ng birth certificate, Philsys slips, Social Security System (SSS) forms, UMID forms, Postal ID, Tax Identification Number ID, LTO driver’s license, at registration slip ng Commission on Elections (Comelec) na lahat ay naglalaman ng pagkakakilanlan ng suspek. (Photo courtesy of Bureau of Immigration)