Ipagdiriwang ang ika-127 Araw ng Kalayaan sa darating na Hunyo 28, 2025 sa Flanders, Belgium, sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate.

Tampok sa makasaysayang pagdiriwang ang mga food stall kung saan matitikman ang tradisyonal na Filipino food.

Mayroon ding cultural performances, mga musika, at itatampok din ang kasaysayan ng Pilipinas.

Layunin ng pagdiriwang na ipakita ang pagmamahal sa bayan at ang pagkakaisa ng mga Pilipino bilang pagpupugay sa kultura at nationality.

“We are delighted to extend our most cordial invitation to you, your family, and your friends to join us for this memorable event. Expect a festive program rich with cultural performances, music, food, and moments of shared pride and joy,” ayon kay Honorary Consul General for Flanders Ronny de Blaere.

Ulat ni Britny Cezar