Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensiyon ng pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Huwebes Santo, Abril 17; at Biyernes Santo, Abril 18.
Upang matiyak na magiging kumbinyente at ligtas ang biyahe ng mga motorista ngayong Semana Santa, sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP), na mas kilala bilang “number coding“ scheme sa Abril 17-18 sa Kalakhang Maynila.
“Wala namang number coding scheme tuwing Sabado at Linggo,” sabi ng ahensiya.
“Planuhin ang biyahe at mag-ingat sa pagmamaneho. Hangad ng MMDA na maging mapayapa at makabuluhan ang inyong paggunita ng Lenten season,” dagdag ng MMDA.
