Nilagdaan ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules, Marso 19, ang isang kasunduan kasama ang Cebu Pacific at Aboitiz InfraCapital Cebu Airport Corporation para sa pagtatayo ng isang Overseas Filipino Workers (OFW) center sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) Cebu City.
Sa ilalim ng kasunduan, itatayo ang OFW processing center sa MCIA na magbibigay ng iba’t ibang serbisyo para sa mga migrant workers at kanilang pamilya.
Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac, magkakaroon ng medikal at legal na serbisyo sa processing center upang mapadali ang pag-alis at pagdating ng mga OFW.
Inaasahan naman na matatapos ang pagtatayo nito sa Abril 2025 at magiging fully operational sa Hunyo 7, 2025.
Ulat ni Britny Cezar