Imbes na nakatengga lang, dapat gamitin ang bilyong pisong halaga ng pondo ng government-owned and controlled corporations (GOCC) sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan na mas pakikinabangan ng mga mamamayan, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sinabi ng DOF na kabilang sa mga proyekto na ito ay ginamit para sa health, social services, at infrastructure projects para mas makatulong sa pag- angat ng ekonomiya at pagpuksa ng kahirapan.

“Unlocking these excess fund balances is a more prudent fiscal option than borrowing more or imposing taxes,” ayon sa DOF.

Partikular na tinukoy ng DOF ang Philippine Health Insurance Corportation (PhilHealth) na merong P500 billion benefit chest, na nakatulong para mapamahagi ang multiple-year claims.

Sa nasabing tanggapan mababatid na ang pondo nasabi ay galing sa mga unutilized national government subsidies.

Ulat ni T. Gecolea