Nagalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng isang memorandum nitong Martes, Mayo 28, kung saan nagpahayag ng pagkabahala si Comelec Chairman George Garcia hinggil sa banta ng “deepfake’ videos at photos gamit ang AI (artificial intelligence) technology upang linlangin ang mga botante sa May 2025 midterm elections.

“Kukumbinsihin ko po ang ating Commission En Banc na ipagbawal namin sa campaign ang paggamit ng deepfakes at AI sapagkat madami po ang nalilito, misrepresentation, madaming hindi makatotohanan na nangyayari kapag ginagamit po yan,” sabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Hiniling na rin ni Garcia sa Comelec en banc na maglabas ng polisiya na nagbabawal sa deepfake video at magtakda ng karampatang kaparusahan sa mga lalabag.

Ang ‘deepfake’ ay mga imahe o recording na minanipula para gayahin ang boses at larawan ng isang indibidwal at palabasin na siya ang tunay na nasa pekeng video o photo.

“Alam po natin ang modern technology. Bakit ba hindi? Subalit dapat po, kapag kampanya, ikaw mismo ang nakikita ng sambayanan,” ayon sa opisyal.

Dahil dito, humingi na rin ng tulong si Garcia sa mga IT experts para masiwata ang mga ‘deepfake’ videos at photos bago pa man ang magsimula ang campaign period para sa 2025 elections.