Pinatunayan ng swimmer na si Bert Justine Narciso ang kanyang determinasyon at tibay nang lumangoy ng 27-kilometro mula Sorsogon hanggang Albay nitong nakaraang Lunes, Abril 26.

Nagsimula si Narciso mula sa Barangay Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon patungong Maonon, Ligao City sa Albay hanggang sa siya ay makarating sa Pio Duran Fishport sa loob ng siyam na oras at 11 minuto.

Ang layo mula sa starting point hanggang sa kanyang destinasyon ay 27 kilometro.

Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat ang swimmer sa Poong Maykapal dahil nabigyan siya ng tibay at lakas ng loob upang gawin ito.

“Today, April 22, 2024, I broke my own personal record by swimming 27.63km in 9 hours, 11 minutes, and 42 seconds, from Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon, to Punta Almara in Sitio Tambac, Maonon, Ligao City, ending at Pio Duran Fish Port,” sabi ni Bert.

Sumabak na si Bert sa long-distance swimming noong taong 2022 na parehong mula Sorsogon hanggang Albay na 12 kilometers naman ang layo.

Ulat ni Jilliane Libunao/Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *