Inaasahang dadagsa ang mahigit 70,000 dayuhan at lokal na turista ang dadalo sa mega concert sa gaganaping Bicol Loco Festival 2024 sa Old Legazpi Airport sa Albay sa Mayo 3-5.

Sa pahayag ni Department of Tourism (DOT)-Bicol regional director Herbie Aguas, target nilang maabot ang naturang bilang ng mga turista dahil ito ang unang pagkakataon nilang masasaksihan ang hot air balloon, malalaking konsIyerto at mga airplane exhibitions.

Inanunsyo mismo ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang pagtatanghal ng mga OPM icons tulad nila Sarah Geronimo at Bamboo sa mega concert.

Ayon kay Aguas, ang P100 milyong ipinagkaloob ni Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Budget and Appropriations, ay bilang suporta nito sa aktibidad na inaasahang magpapalakas sa industriya ng turismo sa Bicol region.