Higit 40,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang stranded sa Maynila dahil sa deployment ban sa mga bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Bahrain, Oman, Qatar, Israel, at Lebanon.
Ayon sa ulat ng Philstar ngayong Lunes, Abril, ilan sa higit 40,000 OFWs ay mga bagong aplikante na nagbabalak magtrabaho sa mga bansa sa Middle East at kasalukuyang nananatili sa mga accommodation center ng kani-kanilang agency.
Samantala, ang iba naman ay mga re-hire o nagbabakasyong OFW na hindi makabalik sa kanilang mga trabaho dahil sa kakulangan ng flight patungong Middle East.
Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nasa 4,000 OFW at kanilang mga dependent na ang na-repatriate o naibalik sa bansa mula sa Middle East.
