Hinayaan ng isang mapagbigay na guro ang kanyang mga estudyante na pumili sa pagitan ng cash at yakap, nagulat siya nang mas gusto ng kanyang mga mag-aaral na siya ay yakapin.

Sa Facebook page na “Jerics Channel” ipinost ang isang heart warming video na nagtatampok sa isang guro na nagbigay sa kanyang mga mag-aaral ng kakaibang pagpipilian sa pagitan ng pagtanggap ng pera o isang mainit na yakap.

Nag-viral ang video at umani ng mga reaksyon mula sa mga internet users.

Sa video, ito ang kawili-wiling tanong ng guro sa kanyang mga estudyante: “”Pera ni Teacher? o Yakap para kay Teacher?”

Ang hindi inaasahang tugon ng mga estudyante ay nakaantig sa puso ni Teacher Jeric.

Ipinaliwang ng guro na gusto niyang i-welcome ang kanyang mga estudyante sa ibang paraan, binigyan nya ito ng freedom na mamimili sa pagitan ng pera o isang taos-pusong yakap.

Ulat ni Henry Santos