Hinamon ni Sen. Risa Hontiveros ang televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy na humarap sa pagdinig ng Senado upang depensahan ang kanyang sarili laban sa mga akusasyon ng mga dating miyembro ng pinamumunuan nitong

“The subpoena has been issued by the Senate committee in the competent exercise of its legal mandate. So Quiboloy, magpakita ka na,” sabi ni Sen. Risa Hontiveros.

Kingdom of Jesus (KOJC) na sangkot ito sa pagpatay, pangaabuso at pagmaltrato sa kanilang hanay.

Sinabi ni Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na seryoso ang alegasyon na dapat sagutin ni Quiboloy.

“Siya ang sentro ng mga paratang ng mga biktima kaya siya ang dapat sumagot,” punto ni Hontiveros.

“The subpoena has been issued by the Senate committee in the competent exercise of its legal mandate. So Quiboloy, magpakita ka na,” sabi ni Hontiveros.