Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Undersecretary Popoy Lipana na layunin ng programa na hikayatin ang mga residente ng mga barangay sa Quezon City na panatilihing malinis ang kanilang lugar sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan.
Sinimulan ng MMDA ng iba’t ibang serbisyo sa Brgy. Damayan, Quezon City nitong Enero 30 kung saan pinangunahan ng mga tauhan nito ang paglilinis ng daluyan ng tubig, pagtatabas ng puno, pagwawalis sa sidewalk, at pagsasaayos ng mga marking at traffic signage sa kalsada, lalo na sa Cong. Reynaldo A. Calalay Memorial Elementary School.
Nakatanggap din ng mga residente ng mga grocery items kapalit ng kanilang recyclables na dinala sa Mobile Materials Recovery Facility ng MMDA.
Tampok din ang one-stop shop query service para sa mga motorista upang malaman kung mayroon silang paglabag sa batas trapiko. Pasasalamat naman ang ipinaabot ng QC government sa MMDA para sa kanilang serbisyo sa lungsod sa ilalim ng “Bayanihan sa Barangay” program.
Ulat ni April Steven Nueva España