Pinarangalan si Davao City 1st District Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte ng “Leadership Achiever Award” para sa public sector sa ginanap na seremonya sa Philippine Plaza Manila sa Pasay City noong Disyembre 18, 2023.

“This signifies the effectiveness of our partnership with our local and national leaders as we bring our programs and services closer to Filipino families,” pahayag ni Rep. Duterte.

Kinikilala sa prestihiyosong Elite Business & Leadership Awards ang mga opisyal ng gobyerno at pribadong sektor na nagpamalas ng husay, dedikasyon at propesyunalismo sa pagpapatakbo ng kanilang tanggapan na may malaking benepisyo para sa mga komunidad sa bansa.

Pinasalamatan naman ni Duterte ang award-giving body habang ibinabahagi ang kanyang tagumpay hindi lamang sa mga Davaoeños kundi maging ang buong sambayanang na kanyang pinangakuan na pagsilbihan ng tapat.

“This [award] is for Dabawenyos and the Filipino people who have put their trust and confidence in our public service,” ayon kay Duterte.

Nitong nakaraang buwan, kinilala din si Duterte bilang “Honorary Congressman of the Year” sa ginanap na Nation Builders Awards ceremony dahil sa mahahalagang panukalang batas na inihain nito sa Kamara na nakatulong sa pagusad ng bansa.