Lubos ang pasasalamat ni Sara Lahbati sa Panginoong Diyos sa pagbibigay ng “second chance” sa kanyang buhay matapos makaligtas kasama ang kanyang pamilya sa karambola ng tatlong sasakyan sa Metro Manila Skyway nitong Biyernes, Disyembre 15.

“Just when you think everything you worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture. All you have to do is take a step back and let Him guide you,” pahayag ni Sarah sa kanyang post sa Instagram.

“We were involved in an accident on the Skyway. Fortunately, all three cars involved avoided any casualties, and we are all okay,” ayon sa aktres.

Posibleng nawalan ng kontrol ang driver ng isa sa mga sasakyan na natuloy sa karambola bunsod ng pabugsu-bugsong pagulan sa Metro Manila.

“Things could have been much worse, yet my family and I are alive and well,” giit ng aktres na dumaraan sa matinding pagsubok nitong mga nakaraang araw hinggil sa kanyang asawang si Richard Gutierrez.