Buong puwersa ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nang salubungin ang 121 overseas Filipino workers (OFWs) na dumating sa NAIA Terminal 3 ngayong Sabado, Disyembre 2.

Ayon sa OWWA, ang mga returning OFWs mula Kuwait ay kinabibilangan ng 101 indibidwal at isang sanggol na lulan ng Flight GF154, at 20 iba pa na sakay ng Flight 5J15.

Agad silang pinagkalooban ng OWWA Airport Team ng food and transportation assistance upang sila ay agad na makauwi sa kani-kanilang probinsiya habang iba ay binigyan ng hotel accommodation sa Metro Manila. (Photo courtesy of OWWA)

ByRAD